Nakakatawang isipin na nung mga bata tayo, nagmamadali tayong tumanda. Nagmamadaling mahiwalay sa mga magulang, makatuntong ng kolehiyo, maranasan ang umibig, bumyahe ng mag-isa sa malayo, tumayo sa sariling mga paa. Ngunit habang tumatanda na tayo, hindi nagiging madami ang maraming bagay, nagiging komplikado ang lahat. Hindi nalulutas ng isang kendi ang problema sa pamilya, hindi laruan ang magpapatigil sayo sa pagluha kapag nasaktan ka sa pag-ibig, hindi pagkapit sa kamay ng mga magulang natin ang magpapatag sa loob natin kapag ang mga bagay ay napakahirap ng tanggapin. Nakakatakot din palang tumanda, pero minsan ba, naiisip nyo, na sa bawat taong lumilipas, hindilang edad nyo ang tumatanda, pati ang mga magulang nyo? YUng dating itim nyang buhok nung tumuntong ka ng entablado sa elementary ngayon ay abuhin na? yung makinis nilang balat nung una mong sinabi na gusto mo nang mag-aral ngayon ay nagkukulubot na, napapansin mo na din bang nagiging mahina na sila? Natatakot kang tumanda, sila kaya? Ano kayang pakiramdam nila? Ano sa tingin mo?