"Hindi mo lang alam. Gustong- gusto kitang mahalin, kaso natatakot ako. Natatakot akong masaktan. Ano na lang ang matitira sa akin kapag iniwan mo ako? Kasi habang lumalaki ang pakiramdam ko na minamahal kita, lumalaki din ang takot sa puso ko. Takot na akong masaktan muli. Minsan kasi sa buhay ko, may isang taong nagsabi din ng mga sinasabi mo ngayon. Pero anong nangyari? Iniwan din niya ako. Kaya mahirap na ring magtiwala ngayon."
UNOFFICIALLY YOURS