Kapit patalim - sila ‘yung mga kapit ng kapit sa tubong hawakan kahit ilang beses silang nakakabitaw, sige kapit pa rin.
Sleeping beauty - sila yung may poise pa rin kahit halatang pagod na pagod na sa byahe. Magaganda pa ring tingnan ang hitsura nila, parang anghel na natutulog, masarap titigan.
Rakista! - mga may lahing rakista, may dugong banda. Sila iyong mga mahilig mag-head bang. Head bangers! Rockers! \m/
Bruises and contusions addict - ito ‘yung mga may pagkamasokista. Kahit ilang beses nang mauntog, parang hindi tinatablan, basta makatulog.
Sadako - sila yung mga kulay puti ang mata. Kadalasan makikita mo rin silang nakanganga.
Rabies victim - kung lumaway, wagas!
Feel at home - akala niya, unan niya yung katabi niya. Makasandal akala mo binayaran niya katabi niya.
Wapakels - walang sinasanto, lahat gagawin sa ngalan ng antok…Walang arte sa katawan, di bale nang magmukhang gago, basta makatulog…Parang ganito: